Tuesday, September 2, 2008

Ako si Arianne--balang araw, yayaman ako!

Gaya ng iba, may mga pangarap din ako. Marami, malaki, matayog at medyo imposible. Minsan, pinagtatawanan ako ng iba dahil sa mga pangarap ko--malayo daw sa katotohanan, kabaliwan, walang patutunguhan.

Kung maniniwala lang ako sa "sabi nila..." malamang wala talaga akong patutunguhan kasi kung pakikinggan ko ang mga tao sa paligid ko, ni isa man sa kanila walang nag-encourage sa akin na abutin ang mga pangarap ko. Madalas tinatanong nila ako kung okay lang daw ba ako, kung hindi daw ba ako high at kung anu-ano pa sa tuwing sinusibukan kung i-share sa iba ang mga pangarap ko.

Oo, siyempre pangarap kong maging mayaman. Napaka-ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi di ba? Gusto kong magkaroon ng maraming pera para mabili ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ko, at siyempre yung sa akin din. Hindi naman pwede na habang buhay na lang akong bubuhayin ng mga magulang ko eh...masyado namang nakakahiya yun.
Pangarap ko din dati ang maging sundalo. Ambisiyosa kasi talaga ako. Mahilig akong mag-ambisyon ng mga bagay na alam ko naman na hindi talaga pwede. Pero siyempre, hindi ibig sabihin na hindi ako pwedeng maging sundalo e, pababayaan ko na lang ang pangarap ko di ba?

Oo nga rin pala, pangarap ko rin na maging Director ng National Bureau of Investigation. Isa kasi akong amateur na wala naman talagang kaalam-alam kung ano talaga ang ginagawa sa NBI. Yung tanging alam ko lang ay kung ano ang nakikita ko sa TV, yung mga investigations and kung anu-ano pang Hardy boys inspired na mga ideya.

Gusto ko rin sanang maging forensic pathologist. Kung tama yung pagkaka-intindi ko, sila yung mga nagpeperform ng mga autopsies di ba? Ay, hindi yata...basta sila yung sa CSI...hehehe.Gusto ko yun, cute na trabaho di ba?

Ano kaya kung maging isa akong publicist sa isang internasyonal na kompanya? Sosyal di ba? Siyempre yung pangarap ko na maging isang rocket scientist ay talagang imposible kasi hindi naman ako matalino sa mga bagay na may kinalaman sa numero. Bobo ako dun eh, kaya nag Mass Comm ako.

Pangarap ko din magtrabaho sa mga organisasyon gaya ng World WildLife Fund o kahit sa DENR na lang, basta may kinalaman sa kalikasan. Gusto ko kasing protektahan ang kalikasan at ang mga nilalang na gaya nina Chichi [yung Giant Panda na logo ng WWF].

Siyempre gusto ko din namang maging isang manunulat. Kahit hindi na sa isang kilalang newspaper basta magawa ko ang trabaho ko bilang isang journalist.

Oo, dati pingarap ko din maging assasin. Mahal yata ang bayad sa mga yun di ba? Tsaka feeling ko para akong si Xena, yung warrior princess o si Lara Croft ng Tomb Raider; maganda, sexy, astig. Kaya lang, si Aian lang ako eh--wala akong boobs, cleaveage o kahit lips na lang na gaya ng kay Angelina jolie. Booblet lang ang meron ako, at madalas pa itong laitin ng mga taong hindi man lang iniisip na hindi malaki ang dibdib ko dahil hindi din naman ako kalakihang tao. Siyempre, hindi din naman ako marunong ng martial arts o kahit humawak man lang ng baril. Ball pen lang ang alam kong hawakan, pasensya na po.

Tapos, minsan sa buhay ko ginusto ko rin ang maging isang rebelde. Wala lang, akala ko kasi astig eh. Tapos isa pa, pag naging rebelde na ako at magiging isa sa mga tinaguriang Philippines Most Wanted e matutupad na ang pangarap ko na habulin ako ng mga crush ko na ngayon ay mga pulis at sundalo na. O di ba?

Gusto ko din maging social worker at magpunta sa mga remote areas sa Pilipinas na kailangan ng tulong ko. Napansin ko nga, masyado na akong maka-masa sa mga pangarap ko; masyadong public service ang tema ng buhay ko. Bakit kaya hindi ko pinagarap maging Presidente?

At dahil nga mahilig ako sa public service at mga humanitarian causes, pinaka-pangarap ko talaga ang magtrabaho sa United Nations. Kaya nga gusto kong magkaroon ng matataas na grado at mag-aral ulit ng ibang kurso pagka-graduate ko, yung kurso na a-akma sa papasukan kong trabaho. Kahit ito na lang sa lahat ng mga pangarap ko ang matupad, magiging masaya na ako.

Hindi pa dito nagtatapos ang litanya ng aking mga pangarap. Nandito na rin lang naman ito, lulubus-lubusin ko na. Sorry na ha?

Pangarap ko kasi pagyumaman na ako ibibili ko ng eroplano yung Philippine Air Force. Yung bagong-bago na eroplano. Yung hindi pang museum. At dahil hindi pa ako mayaman ngayon, drawing na lang muna. Ay! oo, di nga rin pala ako marunong mag-drawing. Sige, picture na muna mga Brod!


Ayan! Pasensiya na po...kinuha ko lang yan sa internet.

Siyempre, gusto ko rin magpagawa ng housing project para sa mga walang bahay, tapos paaralan, tapos ospital at marami pang iba...dapat talaga pinangarap ko na lang maging presidente.Di ba?

Siyempre, pag mayaman na ako, bago ko bilhin ang eroplano ng airforce at ipagawa ng mga bahay, ospital at paaralan na yan [pati na rin yung "marami pang iba"] bibilhin ko muna ang National Bookstore, Powerbooks at Goodwill. Magpapagawa ako ng aklatan na malaking-malaki [dapat exaggerated kasi libre naman ang pangarap].

Tapos, bibili ako siyempre ng maraming-maraming chocolates! Yung lahat ng klase ng tsokolate sa mundo para masaya!


Ito ang mga pangarap ko-- matayog, malaki at medyo imposible. Pero kaya ko to kasi, ako si Arianne at balang araw yayaman ako!

No comments:

See Relates Post:

Blog Widget by LinkWithin